For the English version of this article, click here.
Ang mga refund para sa mga kanseladong order ay pinoproseso agad, ngunit magkakaiba ang timeline ng mga ito depende sa ginamit na pambayad:
Credit Card/Debit Card/Google Pay
Ang payment ay ike-credit sa ginamit na card sa loob ng 5 - 45 business days, depende sa billing cycle ng iyong card.
ShopeePay/Other Payment Channels: Online Banking, Remittance/Payment Centers, Over-The-Counter, Linked Bank Account
Ang buong refund ay papasok sa iyong ShopeePay account sa loob ng 24 - 48 oras. Maaari mo itong gamitin para sa mga susunod na pagbili o i-withdraw pagkatapos i-update ang iyong bank details.
SPayLater
Make-credit ang refund sa inyong SPayLater wallet pagkatapos ng processing.
Combined payment (SPayLater + other payment methods)
Ang halagang ibinayad gamit ang SPayLater ay ma-credit/refund sa iyong SPayLater wallet pagkatapos itong maproseso. Ang remaining amount naman na binayaran gamit ang ibang payment method ay mare-refund sa sumusunod:
Binayaran gamit ang ShopeePay/Linked BPI account/E-wallet/COD/Online Banking - Ang refund ay ike--credit sa iyong ShopeePay wallet
Binayaran gamit ang Debit Card - Ang refund ay ike-credit sa card na ginamit
Binayaran gamit ang linked SeaBank account - Ang refund ay ike-credit sa SeaBank account
Ikaw ay padadalhan ng in-app notification at email sa sandaling na-process na ang iyong refund. Para i-check ito, pumunta sa Order Updates ng Notifications tab sa iyong Shopee App.